Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking kukuha lang sana ng NBI Clearance sa Iligan City, Lanao del Norte.
Ayon sa mga ulat, naberipika ng mga awtoridad na may nakabinbing kaso pa ng rape ang lalaki na kumukuha sa kanila ng NBI clearance.
Sa pamamagitan ng nagtugmang pangalan, kaso, address at court record na inilabas na warrant ng korte, natukoy ng NBI na ang lalaki ang matagal ng wanted dahil sa kasong rape.
Samantala, aminado naman ang lalaki sa kasong iniuugnay sa kaniya. Depensa niya, buong pag-aakala raw niya ay naayos na ang reklamomg kinahaharap niya.
Bunsod nito, kaagad na inarestop ng mga awtoridad ang lalaki. Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng NBI Iligan District Office habang nakabinbin pa ang commitment proceedings niya na magmumula sa korte.