August 26, 2026

Home BALITA National

Setyembre, inaprubahan ng Kamara bilang 'bullying awareness and prevention month’

Setyembre, inaprubahan ng Kamara bilang 'bullying awareness and prevention month’
UNSPLASH

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang pagdedeklara sa buwan ng Setyembre kada taon bilang National Bullying Awareness and Prevention Month.

Ayon kay House Speaker Faustino "Bojie" Dy III, layunin nitong mas mabigyang-pansin ang lumalalang isyu ng bullying sa kabataan, partikular na sa mga estudyante habang nasa loob ng paaralan.

"Every child deserves to go to school feeling safe, respected, and accepted. Walang batang dapat matakot pumasok sa eskwela dahil sa pang-aapi, pananakot, o anumang uri ng bullying," anang House Speaker.

Sa ilalim ng House Bill 10134, bibigyang pansin nito ang pagpigil sa lumlalang kaso ng bullying, pagbibigay ng public awareness at proteksyon sa mga bata.

Nakipag-ugnayan din ang Kamara sa Department of Education (DepEd), National Youth Commision (NYC) at Council for the Welfare of Children (CWC) para sa implementasyon ng mga programa sa susunod na buwan.

National

PBBM, ipinag-utos agarang pagresolba sa isyu ng delayed ₱10k cash gift sa senior citizens

"Ang laban kontra bullying ay responsibilidad nating lahat---ng mga guro, magulang, paaralan, pamahalaan at ng mismong kabataan. We need to teach our children not only to stand up for themselves, but also to stand up for others who may be afraid to speak," saad pa ni Dy.

Ayon sa pag-aaral, tinatayang isa sa bawat tatlong estudyante ang nakakaranas ng bullying sa loob ng paaralan. 

Tinatayang mas maraming estudyanteng lalaki ang nakakaranas ng bullying na may 53% habang 43% naman ng mga babaeng estudyante ang naitalang na-bu-bully din.