August 26, 2026

Home BALITA National

PBBM, ipinag-utos agarang pagresolba sa isyu ng delayed ₱10k cash gift sa senior citizens

PBBM, ipinag-utos agarang pagresolba sa isyu ng delayed ₱10k cash gift sa senior citizens
Photo courtesy: PCO, MB


Iniatas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos, Jr. ang mabilis na pagbibigay-solusyon sa isyu pagdating sa delayed ₱10,000 cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act, batay sa kumpirmasyon ng Palasyo.

Kaugnay ito sa mga reklamong ipinahatid ng senior citizens matapos nilang bigong matanggap ang nasabing cash gift.

Sa ginanap na press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Miyerkules, Agosto 26, idiniin ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nakarating na raw ito kay PBBM, at ipinag-uutos na raw nito ang matulin na pagresolba sa nasabing isyu.

“Ito po’y nakarating sa Pangulo; at kailangan po talaga maibigay kung ano ang benepisyo na dapat na ibigay sa ating mga elderlies—lalong-lalo na ‘yong mga senior citizens dahil ‘yan naman po ay talagang kailangang maipaabot sa kanila nang mas mabilis, at sa mabilis na pamamaraan,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, “So, ipinag-utos niya rin po na agaran itong solusyunan, kaya po nakatanggap po ang ARTA nga ng reklamo, at ito po ay nagkaroon ng endorsement sa Committee on Anti-Red Tape ng National Commission of Senior Citizens or NCSC noong August 25, 2026, at naka-iskedyul na po ang clarificatory meeting sa August 28, 2026, sa pagitan po ng [Anti-Red Tape Authority] ARTA, NCSC, at mga concerned local government unit—pati po ‘yong mga nagrereklamo na ating mga senior citizen.”

Anang press officer, tutugunan ito ng pamahalaan, at iginiit na hindi naman daw talaga ito dapat pang patagalin.

“So, makakaasa po ang ating mga kababayan na patuloy pong gagampanan ng pamahalaan; at ito po ay tutugunan agad ng Pangulo at ng ARTA para po maresolba ang isyu na ito,” anang press officer.

“So, ‘di po kinakailangang patagalin ang mga tulong na dapat naman pong maibigay nang mas mabilis na paraan,” pagtatapos ni Usec. Castro.

Ipinaliwanag naman ng NCSC ang kwalipikasyon para sa pamamahagi ng nasabing cash gift, batay sa nasasaad sa Expanded Centenarians Act.

“REPUBLIC ACT NO. 11982: Cash Gift Benefits for Octogenarians, Nonagenarians, and Centenarians. ‘All Filipinos, whether residing in the Philippine or abroad, upon reaching the age of one hundred (100) years old, shall receive a cash gift of One hundred thousand pesos (₱100,000.00) and a letter of felicitation from the President of the Philippines congratulating the celebrant for his or her longevity,’” saad ng NCSC.

National

Setyembre, inaprubahan ng Kamara bilang 'bullying awareness and prevention month’

“‘All Filipinos, whether residing in the Philippines or abroad, upon reaching the ages of eighty (80), eighty-five (85), ninety (90), and ninety-five (95), shall each receive a cash gift of Ten thousand pesos (₱10,000.00)’,” dagdag pa nito.