Ibinahagi ni Kapamilya actor Joshua Garcia kunng ano ang katangian ni Ivana Alawi bilang katrabaho sa serye nilang “Love Is Never Gone.”
Sa latest episode kasi ng talk show na “The B Side” noong Linggo, Mayo 10, nausisa si Joshua tungkol dito.
“What was it like naman working with Ivana?” tanong ni Kapamilya host Bianca Gonzalez.
“She’s very generous,” sagot ni Joshua. “Hindi lang sa acting kundi sa lahat. Ang hilig niyang magpakain. Ang dami niya laging pakulo.”
Dagdag pa niya, “Minsan, may mag-aabot na lang sa akin. Sabi ko, ‘Ano ‘to?’ May bigay siya sa akin na long-sleeved at jogger pants. Mahilig siyang magbigay ng gift. ‘Nanliligaw ba ‘to?’”
Matatandaang hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na crush ni Ivana si Joshua. In fact, hindi niya naitago ang kilig nang makatanggap siya ng birthday greeting mula sa aktor noong Agosto 2021.
Maki-Balita: Ivana Alawi, kinilig nang makatanggap ng video greeting mula sa crush na si Joshua Garcia
Minsan ding sinabi ni Joshua na bet niyang jowain si Ivana kaysa kaibiganin nang sumalang siya noong 2022 sa “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” ng Tulong sa Pag-ahon program ng ABS-CBN.
Maki-Balita: Joshua Garcia, inaming nakakausap sa telepono si Ivana Alawi
Ngunit sa kasalukuyan, si Emilienne Vigier ang babae sa buhay ni Joshua.