Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng malagim na flash flood sa border area ng Nepal at China noong Miyerkules, Agosto 26.
MAKI-BALITA: Flash flood sa Nepal, kumitil na ng 162 katao!
Sa pahayag ng DMW nitong Sabado, Agosto 29, kinumpirma rin nilang as of Agosto 28, wala pang naiulat na nasawing Pinoy mula sa naturang flash flood.
Sa kasalukuyan, tiniyak ng DMW na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Filipino community sa Kathmandu para matukoy ang kinaroroonan ng Overseas Filipino Workers (OFW) na posibleng naapektuhan din ng flash flood.
Tiniyak din ng DMW na handa ang ahensya na magpadala ng tulong sa mga mapag-aalaman nilang apektadong OFWs at kanilang mga kaanak.
Pinapayuhan ng DMW ang OFWs sa Nepal at kanilang mga kaanak na tumawag sa sumusunod na hotlines para sa karagdagang tulong:
1348 – para sa mga nasa National Capital Region
(02) 1348 – para sa mga nasa labas ng Metro Manila
+63 2 1348 – para sa overseas callers
Sa kabilang banda, patuloy na umaapela ng tulong sa publiko ang kapatid ng nawawalang turistang Pinoy sa Nepal na si Juan Carlos Manalo.
MAKI-BALITA: Kapatid ng nawawalang Pinoy sa Nepal, nananawagan sa publiko