August 29, 2026

Home SHOWBIZ

Gee Canlas, binulgar pamimisikal umano ni Archie Alemania

Gee Canlas, binulgar pamimisikal umano ni Archie Alemania
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), Archie Alemania (IG)

Isiniwalat ng aktres na si Gee Canlas ang pananakit na ginawa umano sa kaniya ng dati niyang mister na si Archie Alemania. 

Ito ay bilang tugon sa naunang pahayag ni Archie sa isang episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan na kaya raw niya nasasaktan si Gee ay dahil sa pagbubunganga nito. 

“Ako, I always walk out kapag confrontation o magulo. Gusto kong laging tahimik lang ako. Tatahimik lang ako. Magsalita ka diyan. Kasi ayaw kong makapagsalita nang masama,” saad ni Archie.

Dagdag pa niya, “Ayaw kong magkaroon ng conflict. Kaso, pipilitin ka. Pipilitin kang mag-react. Reaksyon mo ‘yong panghuhugutan niya.”

Kaugnay na Balita: Sey ni Archie Alemania: Dakila akong asawa, ama

Relasyon at Hiwalayan

Tricia Robredo, ikinasal na!

Ngunit depensa naman ni Gee sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires’ nitong Sabado, Agosto 29, pinipilit umano siyang baguhin ni Archie. 

Aniya, “He wanted me to talk. He was forcing me to agree with him about something, and he was telling me, ‘Magbabago ka ba?’ Magbago ka! Magbago ka! Sumagot ka, magbago ka!’ Ginagano’n niya ako.”

“And I didn’t even know what he wanted me to change. But all I knew was, sabi ko, ‘Magbabago ako, magbago ka rin! Kasi hindi puwedeng ako lang ang gagawa ng paraan and carry the marriage alone. It’s never gotta work,’” dugtong pa ni Gee.

Pero hindi raw ito nagustuhan ni Archie. Kaya nanggigigil ito at iginiit na binabago naman daw nito ang sarili. 

“No’ng nanggigigil siya,” pagpapatuloy ni Gee. “I saw him; he got a tumbler, and then he went to me. He hit me on the side of my head behind the ear.  [....] Malakas. Tumunog ‘yong skull ko. I heard it inside my head.”

Matatandaang kinumpirma ni Gee noong Marso sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na hiwalay na siya kay Archie. Pero bago pa man ito ay nagpahiwatig na ang aktres na natuldukan na ang pagsasama nila ng dating mister.

Ayon sa kaniya, “I’m choosing to love myself with the same consistency and effort I give others, and I’m no longer making myself smaller for anyone. I want to show up more. For myself, for Caleb, for the people I love, and for the work that’s always felt like home to me. That’s the only way I can be fully me as a daughter, sister, a friend, a woman… as a solo parent.”

Samantala, ayon naman kay Archie sa isang episode ng “Ogie Diaz Inspires,” dapat ay matagal na umanong ginawa ni Gee ang pakikipaghiwalay sa kaniya.

Maki-Balita: 'As a solo parent:' Gee Canlas, hiwalay na nga ba kay Archie Alemania?