Naniniwala raw ang aktor na si Archie Alemania na isa siyang dakilang asawa at ama sa kaniyang apat na anak, matapos ang kontrobersiyang pinagdaanan.
Nabanggit kasi ni showbiz insider Ogie Diaz sa kaniyang latest vlog noong Linggo, Agosto 23, na hindi raw niya alam kung paano sasabihin kay Archie kung gaano ito kadakilang ama dahil sa mga isyung kinasangkutan nito.
Matatandaang hinatulang guilty si Archie noong Oktubre 2025 kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code na isinampa sa kaniya ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.
Nag-ugat umano ang harassment na ginawa ni Archie kay Rita noong Setyembre 2024 nang alukin niya ang huli para ihatid pauwi.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong humarap si Archie sa isang panayam matapos ang naturang kontrobersiya.
Maki-Balita: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania
“Kasi sa dami ng mga issue sa ‘yo, kailan ko ba sasabihin kay Archie ito—na isa siyang dakilang asawa?” natatawang sabi ni Ogie.
“Ako, I believe, dakila akong asawa,” sagot ni Archie. “Kasi no’ng nagpakasal ako, as in wala talaga, walang kalokohan. Siya lang talaga. Time and effort [para sa] pamilya ko.”
“Everything that I have is for them, and everything that I do is for them. ‘Yon ‘yong para sa akin. So masasabi ko, and I believe, from the bottom of my heart, I am a good father and good husband.
Matatandaang apat ang anak ni Archie sa iba’t ibang babae. Dalawa rito ay mula sa dalawang naunang non-showbiz relationships niya.
Samantala, ang isa naman ay mula sa aktres na si Mickey Ferriols at ang pinakabunso ay bunga ng pagmamahalan ng dati niyang misis na si Gee Canlas.