August 29, 2026

Home BALITA

Rollback, maaaring bumungad sa unang linggo ng Setyembre!

Rollback, maaaring bumungad sa unang linggo ng Setyembre!
MB FILE PHOTO

Posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, partikular ang diesel na maaaring magkaroon ng bawas na aabot sa ₱4 kada litro.

Batay sa galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa average na palitan ng piso kontra dolyar sa unang apat na araw ng trading, tinatayang nasa ₱3.50 hanggang ₱4 kada litro ang maaaring ibaba ng presyo ng diesel.

Samantala, posibleng mabawasan naman ng ₱0.25 hanggang ₱0.75 kada litro ang presyo ng gasolina.

Maaari pa ring magbago ang naturang pagtataya matapos ang ikalimang araw ng trading, na siyang magsisilbing batayan sa pinal na adjustment.

Ayon sa isang source mula sa oil industry, humina ang presyo ng langis ngayong linggo dahil hindi umabot sa inaasahan ng merkado ang ipinatutupad na US sanctions.

Probinsya

PHIVOLCS, nagbabala sa posibleng pagdaloy ng lahar sa Taal, Pinatubo

“Prices declined this week as threatened US sanctions fell short of the market’s expectations and viewed the economic pressure as a lower-risk path for physical supply than a military escalation, reducing the oil market’s anxiety and easing immediate supply concerns,” anang industry source.

Dagdag pa nito, nakaaapekto riin sa pagbaba ng presyo ang mga senyales ng posibleng pagbabalik sa negosasyon upang wakasan ang giyera at muling mabuksan ang Strait of Hormuz.

“Prices are further weighed down by signals of a potential return to mediation to end the war and reopen the Strait of Hormuz after Iran said it had resumed talks with Oman, although the physical supply picture reflects a still-constrained market and supply disruption risks remain,” dagdag nito.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis tuwing Lunes ang lingguhang price adjustment, na ipinatutupad naman pagsapit ng Martes.

Sa huling adjustment noong Agosto 25, nagkaroon ng dagdag-presyo na ₱1.08 kada litro sa gasolina, ₱2.31 kada litro sa diesel at ₱0.95 kada litro sa kerosene.