Back-to-back ang milestones na naabot nina Sheena Catacutan at Stacey Sevilleja ng P-Pop girl group na BINI nang makapagtapos sila ng Senior High School (SHS) kasabay ang kanilang matagumpay na Coachella debut.
Kaya sa official Instagram ng BINI, makikita ang toga photos nina Sheena at Stacey, kasama ang isang heartfelt na mensaheng pagkilala sa kanilang tagumpay.
“You balanced senior high school and BINI life so well... this milestone is truly well-deserved! We’re so proud of you both! ” saad sa page.
“‘Here’s to more dreams achieved and more milestones ahead!,” dagdag pa rito.
Sa panayam naman ng BINI sa ABS-CBN Star Patrol noong Miyerkules, Abril 15, ibinahagi nina Sheena at Stacey ang nag-uumpaw nilang saya sa pagtatapos na ito sa kasagsagan ng hectic nilang schedule.
“Kami na lang actually yung natira. Kami lang [ni Sheena] yung batchmates, so kami yung huling nag-graduate. Thank you, Lord, graduate na kaming walo,” saad ni Stacey.
“Magka-college na kami!” masaya pa niyang dagdag.
Ani naman ni Sheena, sa kasalukuyan, hindi pa raw sila sigurado kung makakapagtuloy sa kolehiyo dahil sa siksik na schedule bilang BINI members, ngunit ito pa rin naman daw ang kanilang goal, ang makapagtapos ng pag-aaral.
“Hindi kami sure pero for now, focus talaga kami dito. But of course, it’s our goal, and makapagtapos ng pag-aaral,” saad ni Sheena.
Nakapagtapos sina Sheena at Stacey ng kanilang SHS sa JPI Technologies, Training and Services Inc. sa San Jose del Monte, Bulacan.
Ngunit dahil kasabay ng kanilang Coachella debut ang seremonya, hindi nila nadaluhan ang kanilang graduation rites.
Samantala, naging makasaysayan ang pagtatanghal ng BINI sa Coachella matapos nilang i-perform dito ang kanilang fan-favorite tracks tulad ng “Salamin, Salamin,” “Pantropiko,” at “Karera.”
KAUGNAY NA BALITA: BINI Aiah sa pagtuntong sa Coachella: 'Our younger selves are so happy!'
KAUGNAY NA BALITA: BINI, parang lalaban ng boxing sa Coachella!
KAUGNAY NA BALITA: SB19 sa pagbida ng BINI sa Coachella: 'Another huge win for P-Pop!'