August 31, 2026

Home BALITA Probinsya

Angat Dam, sumampa na water level sa higit 200 meters!

Angat Dam, sumampa na water level sa higit 200 meters!
Photo courtesy: MB


Umabot na sa 200-meter mark ang antas ng tubig sa Angat Dam, batay sa datos na inilabas ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) nitong Lunes, Agosto 31.

Ayon sa DOST-PAGASA, as of 8:00 ng umaga ngayong araw, nasa 200.20 meters na ang water level ng Angat Dam; mas mataas sa talang 198.0 meters noong Linggo, Agosto 30.

Kinakailangan na lamang ng nasabing dam ng 9.80 meters para maabot na nito ang normal high water level na 210 meters.

Samantala, tumaas din ang antas ng tubig sa iba pang mga pangunahing dam sa bansa ngayong Lunes.

Umangat ng 0.64 meters ang water level ng Ipo; 4.76 meters sa San Roque; 0.55 meters sa Pantabangan; 0.54 meters sa Magat; at 0.16 meters naman sa Caliraya.

Bumaba naman ang water level ng La Mesa (0.36 meters); Ambuklao (0.04 meters); at Binga (0.40 meters).

Probinsya

Dumalo sa 4Ps meeting: Buntis na Aeta na sakay ng tumaob na bangka, natagpuang patay!