August 31, 2026

Home BALITA Metro

Bookstore, kinondena pananakit ng kanilang guwardiya sa umano’y nandekwat na PWD

Bookstore, kinondena pananakit ng kanilang guwardiya sa umano’y nandekwat na PWD
Photo Courtesy: via MB

Naglabas ng pahayag ang National Bookstore (NBS) kaugnay sa person with disability (PWD) na umano’y nagtangkang mag-umit ng paninda sa NBS branch sa SM North EDSA.

Sa latest Facebook post ng NBS nitong Linggo, Agosto 31, sinabi nila na ikinalulungkot daw nila ang idinulot na distress ng nangyari sa mga customer. 

“While we do not tolerate theft or physical violence, we believe every situation on our premises must be handled with care, restraint, and respect. We are fully cooperating with authorities, government agencies, and mall management,” saad ng NBS.

Dagdag pa nila, “To uphold our standards, we are actively coordinating with mall administration and security partners to conduct joint restraining on conflict de-escalation, crisis management, and sensitive engagement with PWD patrons.”

Nauna nang sitahin ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang insidente ng pananakit sa PWD na umano’y palihim na nanguha ng item sa bookstore.

Metro

Lalaking nanaksak, nakilala matapos maiwan tsinelas sa crime scene!

Binigyang-diin ng NCDA na lahat ng indibidwal, kabilang na ang mga PWD, ay pantay-pantay sa ilalim ng batas.

"Illegal acts like theft must go through legal channels with due process," anila.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang Quezon City Government para igiit na walang indibidwal ang dapat nakakaranas ng abuso at hindi makataong trato. 

Inanunsiyo naman ng pamunuan ng SM North Edsa sa kanilang opisyal na pahayag na pinabalik na ang guwardiya sa agency nito habang gumugulong ang masusing imbestigasyon sa naturang insidente.