March 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Disgusting!' Jasmine Curtis, uminit ang ulo at dugo kay Rep. Suntay

'Disgusting!' Jasmine Curtis, uminit ang ulo at dugo kay Rep. Suntay
Photo courtesy: Jasmine Curtis-Smith (IG)/Screenshot from House of Representatives (FB)

Sunod-sunod ang X posts ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis Smith, kapatid ni Anne Curtis, matapos ang kontrobersiyal na mga pahayag ni Quezon City 4th District Rep. Bong Sutay patungkol sa kaniyang ate, sa sa manipestasyon niya kaugnay sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Inulan ng kritisismo si Suntay dahil sa gitna ng talakayan ng House Committee on Justice hinggil sa naging partisipasyon umano ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor,” ibinahagi ni Suntay ang isang personal na halimbawang tumukoy sa "It's Showtime" host at aktres na si Anne Curtis.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.

Ang naturang pahayag ay agad na sinita ng ilang miyembro ng komite, na nagsabing hindi ito kaugnay ng usapin sa pagdinig. Dahil dito, may ilang kongresista ang naghain ng mosyon upang ipatanggal sa opisyal na records ng pagdinig ang nabanggit na bahagi ng kaniyang manifestation.

"With all due respect to my friend Congressman Bong Suntay, it is just the start of the Women’s Month, and I don’t think that we should be hearing such comments from our dear colleagues," saad ni San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora.

Tsika at Intriga

'There’s nothing sexual sa sinabi ko!' Rep. Suntay, ipinaliwanag naging pahayag tungkol kay Anne Curtis

Kaugnay na Balita: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Bagay na sinegundahan naman ng mga kapwa mambabatas.

Hindi naman agad naglabas ng pahayag ang kampo ng aktres kaugnay ng nabanggit na insidente.

Sa isang panayam naman sa isang programa sa telebisyon, nilinaw naman ni Suntay na hindi sexual ang kaniyang naging pahayag.

Iginiit ni Suntay na hindi totoo ang kaniyang sinabi kundi "imaginary situation" lamang.

"There’s nothing sexual dun sa sinabi ko. Nothing immoral. I said may na-imagine ako. I think there’s nothing wrong. There’s nothing even sexual sa statement na 'yon," aniya.

Kaugnay na Balita: 'There’s nothing sexual sa sinabi ko!' Rep. Suntay, ipinaliwanag naging pahayag tungkol kay Anne Curtis

Naniniwala rin si Suntay na "compliment" ang sinabi niya patungkol kay Anne.

"Sabi ko, 'Ang ganda-ganda niya.' And I think she should take it as a compliment that I feel and I believe that she’s very beautiful," aniya.

Kaugnay na Balita: Rep. Suntay sa sinabing ang ganda-ganda ni Anne Curtis: 'I think she should take it as a compliment!'

Hindi naman talaga maitatangging isa si Anne Curtis sa mga celebrity na talaga namang kahanga-hanga ang ganda, kaya nga ang tawag sa kaniya ay "Dyosa."

Isa naman sa mga direktang pumuna kay Suntay ay si ABS-CBN broadcast journalist at TV Patrol news anchor Karen Davila, sa pamamagitan ng social media posts.

Ayon kay Karen, hindi magandang manggaling ang mga pahayag na ito sa isang congressman na pasahod daw ng taumbayan, at isa pa, nagkataon pa namang ang Marso ay National Women's Month.

“A congressman. A representative of the people. Paid by the people. A husband, a father with daughters. Without the consciousness, knowledge or decency of how women should be talked about. Please keep your sick thoughts to yourself,” ani Davila.

Dagdag pa niya, higit pa umano sa pagpapatanggal sa records ng pagdinig ang nararapat na gawin.

“More than striking his comments off the record, he should apologize. Women’s Month pa talaga,” giit ng mamamahayag.

Kaugnay na Balita: 'Please keep your sick thoughts to yourself!' Karen Davila, binanatan si Rep. Bong Suntay dahil kay Anne Curtis

Samantala, nag-trending naman sa X sina Anne Curtis at mister na si Erwan Heussaff dahil inaabangan ng mga netizen ang sasabihin o sagot nila rito.

RESBAK NI JASMINE

Bagama't wala pang direktang sagot tungkol dito sina Anne at mister na si Erwan, kabaligtaran naman nito si Jasmine na naging sunod-sunod ang mga patutsada laban kay Rep. Suntay.

"RESPECTFULLY, BONG SUNTAY, WHAT ON EARTH??? BAKIT GANON ANG THINKING? HAPPY NATIONAL WOMEN'S MONTH," aniya sa isang X post bandang 10:10 ng gabi nitong Martes, Marso 3.

Photo courtesy: Jasmine Curtis-Smith/X

Ibinahagi rin niya ang iba't ibang X post ng mga netizen patungkol sa isyu, pati na ang patutsada ni Karen Davila laban kay Suntay.

Tinawag pang "Disgusting" ni Jasmine ang nabanggit na mambabatas.

Ibinahagi rin ni Jasmine ang post ng isang netizen na dapat daw maghain ng ethics complaint ang kapatid laban sa mambabatas, o kaya naman ay criminal complaint kaugnay ng Qualified Sexual Harassment Online and in Public Spaces o Sec. 15 ng Bawal Bastos Law.

Panghuli, sinabi pa ni Jasmine, "Yung init ng ulo at dugo ko.. ang hirap matulog ha!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Suntay tungkol dito.