Naitala sa Dumangas, Iloilo at Guiuan, Eastern Samar ang pinakamataas na heat index sa buong bansa ngayong Linggo, Abril 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
As of 5:00 PM, ngayong Linggo, naitala ang 45°C sa Dumangas, Iloilo at Guiuan, Eastern Samar, na itinuturing na “danger level.”
Bukod sa mga probinsya ito, ilan pa sa mga lugar na may pinakamataas na heat index ay ang Baler, Aurora; Casiguran, Aurora; Iba, Zambales; San Ildefonso, Bulacan; Sangley Point, Cavite City, Cavite; San Jose, Occidental Mindoro; Puerto Princesa City, Palawan; Cuyo, Palawan; Masbate City, Masbate; Roxas City, Capiz; Iloilo City, Iloilo; at La Granja, La Carlota, Negros Occidental.
Paalala ng ahensya, sa “danger level,” maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga residente dulot ng matinding alinsangan.
Bukod pa rito, ang matinding pagbababad sa ilalim ng initan ay maaari ding mauwi sa stroke.