Viral ngayon sa social media ang naging kuwelang tagpo sa pagitan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force (SOG-SF) Head Gabriel Go sa isang paslit na nakasakay sa kaniyang laruang electric motorcycle sa tabing kalsada.
Si Gabriel Go ay isang road safety advocate at kilala sa mga inuupload niyang video sa kaniyang social media platform na nagpapakita ng kaniyang pagpuna at paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko.
Ayon sa ibinahaging video ni Go sa kaniyang Facebook page noong Biyernes, Abril 24, 2026, mapapanood ang paglapit niya sa isang batang nakasakay sa laruan niyang motorsiklo.
Photo courtesy: Gabriel Go (FB)
Tila pagbibiro ni Go sa bata, “Wala kang helmet, wala kang plate number, wala kang lisensya, paano ‘yan?”
Matapos nito, napag-alaman ni Go na dalawang taong gulang pa lamang ang nasabing bata.
Ibinida naman ng nanay ng paslit na madalas daw nonood ang huli ng mga ina-upload na video ni Go sa social media.
Mayamaya pa, naglabas ng brand new iPhone 17 Pro Max si Go at ibinigay niyo ito sa bata.
Aniya, “You can play games and you can watch… educational [videos]. For you.”
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 8.1 milyon ang views at 220K reactions ang naturang video ni Go.
Narito ang ilang mga komentong iniwan ng netizens matapos silang matuwa sa kuwelang pangyayari sa pagitan ni Co at ng nasabing paslit:
“Mukhang lango pa sa gatas”
“Salute sir gab, d pinapalampas kahit anong edad”
“Yung naglaro kalang sa labas naticketan kapa”
“Bibili lng ng gatas nahuli pa ni sir Gabriel Go salute sir”
“Hulihin n Yung nanay ! haha”
Maaaring mapanood ang video ni Go sa link na ito: https://web.facebook.com/share/v/18Xh274WZM/