May 13, 2026

Home BALITA Metro

NCRPO, naitala higit 7k violations sa Safer Cities Initiative

NCRPO, naitala higit 7k violations sa Safer Cities Initiative
Photo courtesy: NCRPO/FB


Iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, Abril 26, na sila ay nakapagtala ng kabuuang 7,349 na mga paglabag sa “Safer Cities Initiative” ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Batay sa ulat ng NCRPO, ang numerong naitala ay base sa operasyong isinagawa ng kapulisan mula Sabado, Abril 25 ng 12:01 ng madaling araw hanggang Sabado, Abril 25 ng 11:59 ng gabi.

Ilan lamang sa mga paglabag na naitala ng pulisya ay ang pag-iinuman at paninigarilyo sa pampublikong lugar (2,039), paggamit ng karaoke sa lampas na oras (206) at mga menor de edad na lumalabag sa curfew hours (447).

May mga paglabag ding naiulat patungkol sa paglabas nang walang suot na pang-itaas na damit (316), City Ordinance Traffic Code (3,449), urinating/littering (314), at vandalism (12).

Photo courtesy: NCRPO/FB

“This reinforces the Safer Metro Manila initiative—strengthening police visibility and consistent enforcement of local ordinances to keep communities orderly and prevent everyday violations from escalating into public safety risks,” saad ng NCRPO.

Metro

Family driver, ninakawan amo ng ₱640k halaga ng alahas; bisto matapos ibenta online

Diin pa nila sa publiko, sundin ang batas sapagkat nakadepende sa lahat ang pagkakaroon ng mas ligtas na siyudad.

“Follow the law. Stay alert. Report through 911. A safer city depends on all of us,” anila.