May 13, 2026

Home BALITA Eleksyon

Sen. Imee, isinusulong pagpapaliban ng BSKE!

Sen. Imee, isinusulong pagpapaliban ng BSKE!
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB), via MB

Naghain si Sen. Imee Marcos ng Senate Bill No. 2067 na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections mula Nobyembre 2026 patungong Oktubre 2027.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Linggo, Abril 26, pinagatwiranan niyang posible umanong hindi makaboto ang maraming Pilipino dahil sa mataas na presyo ng pamasahe bunsod ng krisis sa langis. 

Bukod dito, papatak din umano sa Undas ang naturang halalan.

“Mahalaga ang Undas sa mga Pilipino bilang panahon ng pag-alala sa ating mga yumao. Ngunit sa patuloy na pagtaas ng pamasahe, baka mapilitan ang iba na huwag nang umuwi at tuluyan na ring hindi makaboto," anang senadora. 

Dagdag pa niya, "Bawat boto ay mahalaga. Maraming botante na ang naghihikahos na mas pipiliin na lamang na huwag nang umuwi sa kanilang mga probinsya para bumoto.

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

Bukod dito, minungkahi rin ni Sen. Imee na ilaan na lamang ang 16 bilyong gagastusin sa BSKE sa mas agarang pangangailangan kagaya ng pagkain, krudo, at iba pang serbisyo.

"Hayaan muna natin ang mga Pilipinong magdasal at alalahanin ang kanilang mga mahal sa buhay tuwing Nobyembre. Huwag natin silang abalahin sa eleksyon at pamumulitika," pahabol pa niya.