March 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Please keep your sick thoughts to yourself!' Karen Davila, binanatan si Rep. Bong Suntay dahil kay Anne Curtis

'Please keep your sick thoughts to yourself!' Karen Davila, binanatan si Rep. Bong Suntay dahil kay Anne Curtis
Photo courtesy: Screenshot from House of Representatives (FB)/MB File Photo

Umani ng batikos mula sa beteranang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila ang naging pahayag ni 4th District, Quezon City Rep. Bong Suntay kaugnay sa aktres at “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.

Sa isang social media post, tahasang kinuwestiyon ni Davila ang asal ng mambabatas matapos itong magbahagi ng personal na komento sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“A congressman. A representative of the people. Paid by the people. A husband, a father with daughters. Without the consciousness, knowledge or decency of how women should be talked about. Please keep your sick thoughts to yourself,” ani Davila.

Dagdag pa niya, higit pa umano sa pagpapatanggal sa records ng pagdinig ang nararapat na gawin.

“More than striking his comments off the record, he should apologize. Women’s Month pa talaga,” giit ng mamamahayag.

Tsika at Intriga

Banat ni Anne Curtis: 'Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all!'

Photo courtesy: Screenshot from Karen Davila/X

Matatandaang sa gitna ng talakayan hinggil sa umano’y pagsali ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor,” nagbahagi si Suntay ng isang personal na halimbawa na tumukoy kay Anne Curtis.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.

Agad naman itong sinita ng ilang miyembro ng komite dahil hindi umano ito kaugnay ng paksa. May mga kongresista ring naghain ng mosyon upang ipatanggal sa opisyal na records ang naturang bahagi ng kaniyang manifestation.

Nilinaw ni Suntay na hindi umano sexual ang kaniyang pahayag.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Anne Curtis kaugnay ng insidente. 

Nag-trending naman sa X ang pangalan niya gayundin ang mister na si Erwan Heussaff dahil hinihintay ng mga netizen ang sagot nila.

Photo courtesy: X

Patuloy namang pinag-uusapan sa social media ang naging komento ng mambabatas, lalo na’t naganap ito sa panahon ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Kaugnay na Balita: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records