March 17, 2026

Home BALITA National

'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records
Photo courtesy: Screenshot from House of Representatives, Anne Curtis (FB)

Usap-usapan ang kontrobersyal na pahayag si 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay sa gitna ng kaniyang manifestation sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa gitna ng talakayan hinggil sa naging partisipasyon umano ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor,” ibinahagi ni Suntay ang isang personal na halimbawang tumukoy sa "It's Showtime" host at aktres na si Anne Curtis.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.

"Pero ‘di naman siguro ako puwedeng kasuhan kung ano ang na-imagine ko eh," dagdag pa niya.

Ang naturang pahayag ay agad na sinita ng ilang miyembro ng komite, na nagsabing hindi ito kaugnay ng usapin sa pagdinig. Dahil dito, may ilang kongresista ang naghain ng mosyon upang ipatanggal sa opisyal na records ng pagdinig ang nabanggit na bahagi ng kaniyang manifestation.

National

'Dapat mabilis!' Sen. Bam Aquino sinabing i-report, aksyunan agad kapag may school bullying

Nilinaw naman ni Suntay na hindi sexual ang kaniyang naging pahayag.

"There is nothing sexual do’n sa sinabi ko, nothing immoral, it’s just, I said, may na-imagine ako, I think there is nothing wrong," aniya. 

Sa botong 13-2-2, sinusugan naman ng mga mambabatas ang pag-strike out sa records sa mga nasabi ni Suntay. 

Hindi naman agad naglabas ng pahayag ang kampo ng aktres kaugnay ng nabanggit na insidente.