May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Gaano kahalaga ang tulog sa malusog na pangangatawan?

ALAMIN: Gaano kahalaga ang tulog sa malusog na pangangatawan?
Photo courtesy: Unsplash

Sleep is for the weak!

Ito ang sigaw ng maraming “sleep deprived” na manggagawa at estudyante na busy sa paghabol sa kanilang deadlines hanggang hatinggabi.

Sa mga pagkakataong ito, tila nagiging marka na ng kanilang “hard work” ang eye bags, pagkatulala, at kape para itodo ulit ang pagpapagal sa harap ng computer hanggang sa tumilaok ang manok. 

Sa kabila ng tila nakababahalang routine na ito, gaano nga ba kahalaga ang tulog sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan? 

Ayon sa pag-aaral ng Johns Hopkins Medicine, ang sapat na tulog ay mahalaga para sa “brain plasticity” o kapasidad ng utak na makapag-isip at makaintindi ng impormasyon. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Kaya may mga pagkakataon na nahihirapan makakuha ng makapagproseso ng mga pangyayari at impormasyon ang isang indibidwal kung kulang ang oras ng tulog nito. 

Batay pa sa pag-aaral na ito, pinaniniwalaan ng mga eksperto na nakatutulong ang pagtulog sa pagtatanggal ng waste products mula sa brain cells. 

Saad naman sa National Health Service (NHS) Oxford Health, sa pagtulog nagaganap ang pagpapalakas ng immune system. 

Kaya ang sapat na oras ng pagpapahinga ay isa sa mga susi sa clear skin, malinaw na mga mata, at mas makapal na buhok. 

Sa pagkakaroon din ng maayos na tulog, mas napapadali rin ang maintenance ng malusog na timbang dahil napipigilan nito ang cravings para sa mga chichirya. 

Ayon pa sa NHS, dahil nire-repair ng katawan ang tissues sa iba’t ibang parte nito, nakatutulong ang maayos na tulog sa pagkakaroon ng mabilis na reaction time, dagdag na mental at physical stamina, at matalas na memorya. 

Gayundin ang mabilis na recovery mula sa mga sugat. 

Isa pa sa mga itinuturong magandang epekto ng maayos na pagtulog ay ang mas balanseng emosyon sa susunod na araw dahil mas nakapag-”recharge” ang pag-iisip at mababang posibilidad ng pagkabalisa at depresyon. 

Kaya ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ilan sa tips para magkaroon ng maayos na pagtulog ay ang mga sumusunod: 

- Pagtulog at pagising sa parehang oras araw-araw.

- Pag-iwas sa paggamit ng anumang gadgets 30 minuto bago matulog. 

- Pag-iwas sa pagkakaroon ng heavy meal sa gabi. 

- Regular na ehersisyo at healthy diet. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Totoo bang nakamamatay ang pagpupuyat?