March 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'There’s nothing sexual sa sinabi ko!' Rep. Suntay, ipinaliwanag naging pahayag tungkol kay Anne Curtis

'There’s nothing sexual sa sinabi ko!' Rep. Suntay, ipinaliwanag naging pahayag tungkol kay Anne Curtis
Photo courtesy: Screenshot from House of Representatives (FB)/Anne Curtis (IG)

Ipinagdiinan ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay na walang "sexual" at "immoral" sa nabanggit niyang pahayag patungkol kay "It's Showtime" host Anne Curtis, sa manipestasyon niya kaugnay sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.

Sa gitna ng talakayan ng House Committee on Justice hinggil sa naging partisipasyon umano ng Bise Presidente sa mga rally at sa mga pahayag nito tungkol sa pagiging “designated survivor,” ibinahagi ni Suntay ang isang personal na halimbawang tumukoy sa "It's Showtime" host at aktres na si Anne Curtis.

“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” ani Suntay sa pagdinig.

Ang naturang pahayag ay agad na sinita ng ilang miyembro ng komite, na nagsabing hindi ito kaugnay ng usapin sa pagdinig. Dahil dito, may ilang kongresista ang naghain ng mosyon upang ipatanggal sa opisyal na records ng pagdinig ang nabanggit na bahagi ng kaniyang manifestation.

"With all due respect to my friend Congressman Bong Suntay, it is just the start of the Women’s Month, and I don’t think that we should be hearing such comments from our dear colleagues," saad ni San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora.

Tsika at Intriga

Banat ni Anne Curtis: 'Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all!'

Bagay na sinegundahan naman ng mga kapwa mambabatas.

Hindi naman agad naglabas ng pahayag ang kampo ng aktres kaugnay ng nabanggit na insidente.

Sa isang panayam naman sa isang programa sa telebisyon, nilinaw naman ni Suntay na hindi sexual ang kaniyang naging pahayag.

Iginiit ni Suntay na hindi totoo ang kaniyang sinabi kundi "imaginary situation" lamang.

"There’s nothing sexual dun sa sinabi ko. Nothing immoral. I said may na-imagine ako. I think there’s nothing wrong. There’s nothing even sexual sa statement na 'yon," aniya.

Naniniwala rin si Suntay na "compliment" ang sinabi niya patungkol kay Anne.

"Sabi ko, 'Ang ganda-ganda niya.' And I think she should take it as a compliment that I feel and I believe that she’s very beautiful," aniya.

Samantala, nag-trending naman sa X sina Anne Curtis at mister na si Erwan Heussaff dahil inaabangan ng mga netizen ang sasabihin o sagot nila rito.

Kaugnay na Balita: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records