Humingi ng paumanhin ang Philippine Educational Theater Association (PETA) sa rant Facebook post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang naging karanasan sa panonood ng "One More Chance" theater version, na hango sa pinasikat at iconic movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Ayon sa Facebook post ng isang nagngangalang "B Delgado," wala siyang problema sa kaniyang pinanonood at puring-puri ang theater version ng pelikulang umiikot kina "Popoy" at "Basha," subalit ang nakapukaw sa kaniyang atensyon ay ang dalawang kapwa manonood na gumagamit ng cellphone at laptop habang nagaganap ang play.

Napag-alaman din ni Delgado na ang isa sa mga gumagamit ng gadget ay isang celebrity na hindi na niya pinangalanan, pati na raw ang talent manager nito. Ang isa naman daw ay kaibigan ng isang social media influencer na siyang gumagamit ng laptop. Kaya naman, tinawag niya ang atensyon ng PETA lalo na ang ushers na hindi umano sinisita ang mga gumagamit ng gadgets sa kalagitnaan ng play. Aniya, hindi raw siya nasiyahan sa "Act 2" dahil sa pagkadistorbo.

"Congratulations to the cast & crew of ONE MORE CHANCE. To be fair, the show was good. At least Act 1 was kasi yun lang naman napanood ko. As a Ben & Ben and One More Chance fan, I waited so long to finally watch it. I even posted a video when they announced it at the closing show of Walang Aray."

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

"Before I could even ask my family and friends, I bought tickets already for all of them. I was THAT excited. But all was ruined in act 2. This was my view from “Ride Home” until the iconic “you had me at my best..”. Wala akong ma absorb sa act 2 until the end na nung nagkabalikan na si Popoy at Basha because there were 2 phones on full brightness and a freakin laptop! They weren’t gona stop until I tapped their shoulder."

Nang tapikin daw niya ang balikat ng isa sa mga gumagamit ng gadget, tinitigan pa raw siya nito mula ulo hanggang paa. Ito raw ang talent manager ng celebrity na tinitigan siya nang dalawang beses.

"Ano yun, Philippine Educational Theater Association (PETA)? When it’s a nobody, your ushers weave through the crowd to stop them but when it’s a celebrity and friends, dedma nalang? They were seated on the house seats so there was an usher beside them. On top of that, the short haired b***h had the audacity to look back, gave me a death stare and head to toed me. Not once, but twice! As in ang tagal ng stare niya!"

Ang punto rin ni Delgado, kung walang "theater etiquette" ang mga ito, sana man lamang daw ay sinita sila ng ushers ng PETA. Gustong ipagdiinan ng post ni Delgado ang tungkol sa management ng PETA pagdating sa mga ganitong senaryo.

"Sabihin na natin that these people really don’t have theatre etiquette coz clearly, none talaga! This is where I blame PETAs ushers! You’re not there to watch the show. May trabaho kayo! Bakit hindi niyo pinigilan? Bakit hindi niyo inisip the audience around these uneducated people?! I paid to see the show not fuckin gadgets!"

"I snapped this pic when the house lights were on to show how bright their screens were. Imagine when the house lights were down?! Worst theatre experience ever. Thank you PETA!"

Sa comment section naman ay agad na sumagot ang PETA. Agad silang

"Dear Ms. B Delgado,"

"Thank you for bringing this matter to our attention."

"Please accept our sincerest apologies for the stress and frustration this has caused you. Rest assured that we are looking into this now and will immediately take the necessary actions."

"We only wish a good and positive viewing experience for all of our audiences. Please allow us to give you a complimentary ticket so that you can properly enjoy the show."

"We will reach out to you directly regarding this," anila.

Photo courtesy: PETA (FB)/B Delgado (FB)

Sa isa pang Facebook post ay nilinaw ni Delgado na wala siyang masamang tinapay sa kaniyang napanood na show, at na-enjoy pa rin naman ito.

"Aaaanyway, I did not mean for the post to spread in the industry. Grabe lang talaga yung sama ng loob ko lastnight. I kept a happy face to congratulate the cast kasi totoo naman, mahusay naman kasi talaga sila. I was raving about act 1 while talking to a friend during intermission. Congratulations again! On that note, kapagod magbasa and reply. I’m still upset and I felt robbed. Break a leg on your remaining shows!" aniya.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Delgado, sinabi niyang wala siyang hangad na masama patungkol sa show, subalit ang nais niyang sitahin ay ang pag-handle ng PETA sa mga ganitong concern, lalo na ang paglimot ng ilan sa "theater etiquette."

"Although, I have so much for respect for the cast & crew of One More Chance, some who are friends of mine as well so I do not want to drag the show. It’s the management and the poorly trained staff. If you can just lean into the importance of theatre etiquette only, that would be great. More people are slowly embracing theatre but they need to know that these instances are unacceptable. Lea Salonga touched on this topic as well before," ani Delgado.

"Just to clarify, the two cellphone users were the celeb and the manager and the laptop was another friend of an influencer or something," dagdag pa niya.

"It was the manager who stared me down TWICE. She tried to intimidate me but I was raised better and ignored her," pahayag pa ni Delgado.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa higit 1.6k reactions, 606 shares, at 216 comments ang nabanggit na viral post.