August 22, 2026

Home BALITA

Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!
Unsplash

Tataas ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, kasunod ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng United States at Iran na nakaaapekto sa pandaigdigang supply at kalakalan ng langis.

Batay sa industry estimates gamit ang galaw ng presyo sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at palitan ng piso kontra dolyar, maaaring madagdagan ng ₱1.75 hanggang ₱2.25 kada litro ang presyo ng diesel.

Samantala, tinatayang ₱1 hanggang ₱1.50 kada litro naman ang maaaring idagdag sa presyo ng gasolina.

Ayon sa industry source mula sa industriya ng langis, muling lumaki ang tinatawag na geopolitical premium sa presyo ng krudo dahil humihina ang posibilidad na maresolba sa pamamagitan ng diplomasya ang sigalot ng US at Iran.

“Oil prices climbed due to a rebuild in the geopolitical premium as prospects for a diplomatic solution to the US-Iran conflict and normalization of navigation through the Strait of Hormuz have dimmed,” anang industry source.

Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

Maaari din umanong tumagal ang krisis dahil kapwa nagpapakita ng mas mahigpit na tindig ang dalawang panig matapos mapaso ang kanilang kasunduan noong kalagitnaan ng Hunyo.

“With the expiration of the mid-June US-Iran MOU and both sides expressing intentions to take a harder line, markets are pricing in the possibility of a prolonged crisis,” dagdag ng source.

Inaasahang ilalabas ng mga kumpanya ng langis sa Lunes ang pinal na anunsyo hinggil sa magiging galaw ng presyo, na ipatutupad sa mga gasolinahan pagsapit ng Martes.

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay nagkaroon na rin ng malaking dagdag-singil sa petrolyo, kabilang ang ₱2.49 kada litro sa gasolina, ₱3.84 sa diesel at ₱5.01 sa kerosene.

Kung magkakatotoo ang kasalukuyang pagtataya, maaari itong maging panibagong dagdag-pasanin para sa mga motorista at sektor na umaasa sa diesel at gasolina para sa kanilang operasyon.