August 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karylle sa ex niya: 'Pag binanggit ko pa siya, lagot... focus na lang tayo sa baha!'

Karylle sa ex niya: 'Pag binanggit ko pa siya, lagot... focus na lang tayo sa baha!'
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime (YT)

Usap-usapan ng mga netizen ang aliw na "attendance check" ng mga "It's Showtime" hosts noong Sabado, Agosto 22, kung saan ang naging tema ay "Shout Out To Your Ex."

Inisa-isa ni Unkabogable Star Vice Ganda ang co-hosts para sa kanilang masasabi patungkol sa mga dating karelasyon nila. Siyempre, isa-isa naman silang nagbigay ng kanilang paandar.

Isa nga sa mga kinaaliwan ang sinabi ni Karylle para sa hindi tinukoy na ex-boyfriend.

Kaugnay na Balita: Kim Chiu sa ex niya: 'Hindi kita pinagsisihan pero hindi na kita babalikan!'

Kaugnay na Balita: Ryan Bang sa naudlot na kasal nila ng ex: 'Di pumayag ang tadhana!'

Tsika at Intriga

Jojo Bragais, nagbabala sa vidj*kol na film casting scam gamit si Ivana Alawi

Aniya, "Good morning sa lahat except sa ex ko at sa akin, pag binanggit ko pa siya, lagot kasi salita'y di maaangkin."

"Focus na lang tayo sa baha't mahalagang usapin," aniya pa.

Matatandaang ang kilalang ex-BF ni Karylle ay su Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na misis na ngayon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Naging magkarelasyon sina Karylle at Dingdong Dantes nang humigit-kumulang tatlong taon. Noong 2008, pormal na kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay matapos ang matagal na proseso, at kapwa nila iginiit na hindi ito isang biglaang desisyon.

Sa panahong iyon, nasangkot sa mga espekulasyon ang pangalan ni Marian dahil sa tambalan nila ni Dingdong sa seryeng "Marimar" na nagbigay ng todong stardom sa dalawa, ngunit kapwa itinanggi ng dalawa na si Marian ang dahilan ng hiwalayan.

Isa sa mga naging kontrobersyal na sandali sa isyung ito ay ang pag-guest ni Karylle sa “The Buzz” noong Disyembre 2008, matapos niyang lumipat sa ABS-CBN.

Sa segment na "Tough Ten Questions, tinanong siya ni Boy Abunda tungkol kay Marian, kabilang ang tanong kung totoong buntis ang aktres.

Sa halip na direktang sumagot, ngumiti lamang si Karylle, na kalaunan ay tinawag ng ilang ulat na “mysterious” o “Mona Lisa” smile. Naging usap-usapan ito at sinabi sa mga ulat na nasaktan si Marian sa naging reaksiyon.

Gayunman, ipinaliwanag ni Karylle na hindi niya intensiyong magbigay ng anumang malisyosong mensahe sa pamamagitan ng kanyang ngiti.

Aniya, sinusubukan lamang niyang isipin kung paano sasagutin ang sensitibong tanong at pakiramdam niya ay nasa isang “no-win situation” siya—anumang maging reaksiyon niya ay maaari pa ring bigyan ng ibang kahulugan.

Noong 2025, finally ay nagkita na ulit sina Dingdong at Karylle sa It's Showtime matapos mag-guest ang una.

Maki-Balita: Sey mo Marian? Mag-ex na Dingdong at Karylle, nagkaharap na!