Usap-usapan ng mga netizen ang aliw na "attendance check" ng mga "It's Showtime" hosts nitong Sabado, Agosto 22, kung saan ang naging tema ay "Shout Out To Your Ex."
Inisa-isa ni Unkabogable Star Vice Ganda ang co-hosts para sa kanilang masasabi patungkol sa mga dating karelasyon nila. Siyempre, isa-isa naman silang nagbigay ng kanilang paandar, pero tumatak ang sinabi ng Kapamilya star na si Kim Chiu.
Aniya, "Hindi kita pinagsisihan, pero hindi na kita babalikan."
"Dahil may mga alaalang dapat maging alaala na lang. Salamat," dagdag pa.
Hirit naman ni Vice Ganda, "I felt that."
Hindi naman binanggit ni Kimmy kung sino sa mga dating karelasyon niya ang tinutukoy niya.
Matatandaang ang ex-boyfriends ni Kim na alam ng lahat dahil showbiz personalities din ay sina Gerald Anderson at Xian Lim.
Noong 2023, inanunsyo ni Kim ang break-up nila ni Xian sa hindi pa malinaw na dahilan.
Pinasalamatan ni Kim ang kanilang fans at supporters na patuloy na nagmamahal sa kanila. Deserve daw nila ang katotohanan kaya binasag na niya ang kaniyang katahimikan.
"We owe our supporters the truth, but we also respect each other’s time of healing. In a relationship, love is always a significant factor, but sometimes love is not enough."
"We shared more than a decade of love, each other’s support system, and many beautiful memories. It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship."
"We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives. To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding."
Sa dulo, pinasalamatan ni Kim ang kaniyang ex-boyfriend.
"Lastly, to Xi, Thank you for the almost 12 years of beautiful memories together one can never imagine. You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is."
"As we close this chapter of our lives,I am asking for everyone’s kindness and respect. I hope this clears everything as we all move forward with our lives.?" aniya pa.
Maki-Balita: 'End of a Love Story!' Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim
Samantala, nag-break naman sina Kim at Gerald noong 2010, matapos ang apat na taong relasyon.
Naging opisyal at hayag ang kanilang paghihiwalay sa taong 2010 pagkatapos ng kanilang pelikulang "Till My Heartaches End."
Batay sa mga ulat, sinabi nilang pareho silang bata pa at mas pinili munang mag-focus sa kani-kanilang career.
Kahit matagal nang tapos ang kanilang relasyon at love team, nagkaayos na rin naman sila pagkalipas ng ilang taon at nagkasama muli sa teleseryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin" noong 2017.
Nagsimula ang kanilang tambalan sa loob pa lang ng Bahay ni Kuya, sa sa kauna-unahang teen edition ng "Pinoy Big Brother" noong 2006.
Maki-Balita: Kim sa 'relapse' daw kay Gerald: 'Akala mo 'di tayo niloko 15 years ago, char not char!'