Emosyunal ang laman ng mensahe ng “It’s Showtime” host na si Ryan Bang patungkol sa ex-girlfriend niya.
Nagkaroon kasi ng pakulo si Unkabogable Star Vice Ganda sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Agosto 22.
Bilang attendance check, isha-shout-out ng bawat host ang kani-kanilang ex-jowa. At dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, kinakailangang patula ang pagkakabigkas ng shout-out.
Bilang attendance check, isha-shout-out ng bawat host ang kani-kanilang ex-jowa. At dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, kinakailangang patula ang pagkakabigkas ng shout-out.
“‘Pag sinabi ko ang apelyido, magbibigay ng mensahe o shout-out sa kaniyang ex. At dahil Buwan ng Wika, patula ang pagkakasabi ng bawat linya,” anang Unkabogable Star.
Si Teddy Corpuz ang unang tinawag ni Vice para i-shout-out ang ex nito. Simula kay Teddy, nagtuloy-tuloy na hanggang sa makarating kay Ryan.
Sabi ni Ryan, “Ako’y may dating kasintahan. At dati kaming nagmamahalan. Pero di pumayag ang tadhana. Kaya hindi kami nagtuloy sa dambana.”
Pagkabanggit nito, niyakap siya ng kaniyang mga kapuwa host upang aluin. Matatandaang ikakasal na sana si Ryan kay Paola Huyong.
Sa katunayan, inanunsiyo pa nga ni Paola sa social media noong Hunyo 2024 ang pagpayag niya sa alok na kasal ni Ryan.
KAUGNAY NA BALITA: Ryan Bang, engaged na sa non-showbiz girlfriend
Ngunit noong Hunyo 2026, tuluyan nang kinumpirma ng “It’s Showtime” host na single na ulit siya ilang buwan matapos umugong ang tsika na may problema sa relasyon nila ni Paola.
Maki-Balita: Ryan Bang, single na; tinangging nangaliwa