Kinumpirma na ni “It’s Showtime” host Ryan Bang na hiwalay na sila ng fiancée niyang si Paola Huyong.
Sa latest episode ng vlog ni Unkabogable Star Vice Ganda kamakailan, inusisa si Ryan kung single na raw ba siya ngayon.
Sagot ni Ryan, “Yes, I'm single.”
“You've been single since?" sundot ni Vice.
“Personally, sa side ko, January,” tugon ni Ryan. “Tinry ko, e. Tinry ko na ayusin kasi alam ko na no'ng panahon na 'yon, hindi ko maintindihan ba't hindi dapat umabot nang ganito. I was trying, I was hoping. I was praying na maayos.”
Bukod dito, inamin din ni Ryan na nagkaroon umano siya ng kasalanan ngunit pinabulaanan niyang nagtaksil siya kay Paola.
Aniya, "I never [cheated]. Hindi totoo ‘yong mga sinasabi ng mga tao."
Ngunit sa kabila ng nangyari, grateful pa rin daw siya sa naging relasyon nila ni Paola dahil napakabait ng pamilya nito sa kaniya.
Matatandaang Enero rin noong pasimpleng kinumpirma ni Vice na single na ang anak-anakan niyang si Ryan.
Sa isang episode kasi ng “It’s Showtime” noong Enero 22, ibinahagi ng isang contestant ng “Laro Laro Pick” na si Rea na nagtrabaho raw siya bilang caddie sa isang golf club sa Antipolo kung saan naglalaro si Ryan.
Tinawag tuloy ng mga host si Ryan at ipinakilala kay Rea. At sa gitna ng kanilang pag-uusap, biglang nabanggit ni Rea na mahilig umano si Ryan sa magagandang caddie, dahilan para matawa sina Jhong Hilario at Vhong Navarro.
“Di ako ‘yon,” nakangiting sabi ni Ryan.
Segunda naman ni Vice, “Binata naman ang anak ko. Ano namang masama? Binata, eligible. “
Unang lumutang noong Setyembre 2025 ang usap-usapang hiwalay na umano sina Ryan at Paola matapos mapansin ng mga netizen na na-delete o hindi na umano makikita sa Instagram account ng huli ang engagement photos nilang dalawa.
Maki-Balita: 'May problema nga!' Kasalang Ryan Bang, Paola Huyong tuloy pa nga ba?