Marami ang nagulat na umeere na rin ang ABS-CBN noontime show na "It's Showtime" sa ALLTV Channel 2, nitong Lunes, Hunyo 18.

Ang ALLTV ay TV network na pagmamay-ari ni dating senador Manny Villar, na kinikilala bilang richest Filipino ng Forbes.

Ang frequency na ginagamit ng ALLTV ay Channel 2 na dating naka-assign sa ABS-CBN, noong may prangkisa pa sila.

Bukod sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel, Kapamilya Channel, at cable channels, mapapanood na rin sa apat na free TV channels ang It's Showtime: ito ay ang GMA Network, GTV, A2Z, at ALLTV.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Nagulat ang mga netizen sa balitang ito dahil walang bonggang-bonggang announcement patungkol dito, kagaya ng ginawa nang umere sa mga nabanggit na TV stations ang noontime show.

Matatandaang nang umere sa GMA Network ang It's Showtime ay talaga namang may bonggang production number pa ang hosts lalo na si Vice Ganda para dito.