ANG ganda ng litratong pinost ni Aiko Melendez sa kanyang Instagram page kung saan, makikita si Jomari Yllana na inaayos ang suot na car race suit ng anak na si Andre Yllana.

Sabi ng caption ni Aiko sa kanyang picture, “Pass on the Torch @andreyllana with his Dad Jomari preppin him for a race on Sunday (this Sunday, February 21). Jomari used this racing suit for Korea race now its Andre’s turn.”

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Ibig sabihin, bukod sa pagpasok na sa showbis, papasukin din ni Andre ang car racing na ilang taon ding ginawa ni Jomari. Sa guidance nina Jomari at Aiko, siguradong parehong magiging successful si Andre sa showbis at sa car racing.

Pumirma na pala si Andre ng management contract sa Viva Artists Agency na patunay na seseryusuhin na niya ang showbis.