Ni NORA V. CALDERON

WISH granted ng GMA Net­work ang request ng mga netizens and viewers na bago pa natapos ang serye last Friday, Feb­ruary 19, ay humihiling na kung pwedeng magkaroon ito ng part 2, kasi raw bitin, parang dapat marami pang mangyari bago ito natapos.

Tanong nila, ano na ang nang­yari kay Kendra (Aiko Melendez) na nag-comatose dahil naaksidente siya, at sabi ng doctor hindi alam kung kailan siya magigising. Si Ruben (James Blanco) basta na raw ba lamang iniwan ni Lilian (Katrina Halili) ganoong may brain tumor ito, at sumama na kay Jaime (Wen­dell Ramos)?

Ang sorpresa ng serye, nagka­roon ito ng teaser na habang mag­kayakap ang nagkabalikang sina Jaime at Lilian, biglang bumagsak ang picture frame nila at nabasag; at nagising ang comatose na si Kendra.

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

Kahit naman ang cast ay naka­tanggap ng request ng mga viewers for a part 2. At tiyak na sa pagbaba­lik nila, makakasama na nila siSofia Pablo, na hindi na pinayagang mag-work dahil wala pa siyang 15 years old, for health protocols. Sa April 10, 2021, Sofia as Donna Lyn, will turn 15 years old. Mabubuo na ang tatlong donnas.