ni DANTE A. LAGANA

WALANG pagsidlan ng tuwa ang Kapuso singer at actress na si Lovi Poe nang batiin siya ng Happy Birthday ng English actor na siTom Felton na mas nakilala bilang Draco Malfoy ng novel series na Harry Potter. Ibinahagi ito ni Lovi sa kanyang Twitter ang video ng pagbati. Itong Feb. 11 nagcelebrate ng birthday si Lovi. Malamang kahit busy sa mga taping naipagdiwang naman ng aktres ang kanyang special day.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Sey ni Lovi, “My Harry Potter heart and my Slytherin soul can’t help but be kilig when Draco Malfoy mentions #OweMyLove. Thank you for this sweet surprise @montyblencowe.”

Kinilig si Lovi sa mga binitiwang pagbati ng foreign actor na isa palang big surprise ng kanyang British boyfriend na si Monty Blencowe na naka-based ngayon sa Los Angeles. Bagamat LDR ang relationship nila Lovi still nakakakilig sa kasweetan ang galawan ng isa’t isa sa pamamagitan ng social media. Sa video message hindi rin nakaligtaan banggitin ni Tom ang nalalapit na romcom nila Lovi na Owe My Love ng GMA-7.

Ani Tom, “Monty and I have been speaking for quite a while about the best way to ring in your birthday.

“Well to celebrate the fact that you have this new TV show, “Owe My Love,” well congratu-bloody-lations!”

“Unfortunately Monty and my plans to have a massive festivity where we can all get together and have a little jamboree, a little boogie, and dance can’t happen this year, or can’t happen right now of everything that’s going on.”

Kasweet naman talaga ng BF ni Lovi nag-effort talaga siya sa birthday ng kanyang loving Lovi. Ofcourse malamang may tawagan moment din sila to send love to each other.