If I should stay
I would only be in your way
So I'll go, but I know
I'll think of you every step of the way
Isang malungkot na balita ang bumungad sa publiko matapos ianunsyo ng pamilya ng iconic American singer, legend, at songwriter na si Dolly Rebecca Parton Dean, o mas kilala bilang si Dolly Parton, ang kaniyang pagpanaw noong Agosto 25, 2026.
Isa sa mga naging dakilang kanta ni Dolly ang “I Will Always Love You,” “Jolene,” “9 to 5,” “Here You Come Again,” at iba pa.
Sa video statement na inilabas ng pamilya ni Dolly sa kaniyang social media accounts, partikular sa “X,” nitong Miyerkules (araw sa Pilipinas), Agosto 26, 2026, mapapanood ang opisyal na pag-aanunsyo ng pamangkin niyang si Bryan Seaver.
Ani Bryan, matagal na raw hiniling ng kaniyang Aunt Dolly ang paglalabas ng naturang video statement sakaling man daw na dumating ang panahong sa pagpanaw nito.
“This video announcement is something Dolly asked to me years ago, before I fully absorbed it as a future reality,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “As her head of security for more than two decades, a role my Father Larry held before me, I have imagined the heaviness of this moment, but I haven’t truly felt it until now. It is an honor, an honor that is mixed with absolute pride and great sadness.”
Diin ni Bryan, mananatili raw ang kalungkutan ng marami dahil sa naging pagpanaw ni Dolly, ngunit hindi raw para sa huli mismo dahil makakasama na raw nito ang kaniyang asawa na si Carl, pamilya, at iba pang kaniyang mga naging tagahanga.
“But sadness lies with us not with Dolly. Dolly has lived in the light and is in the arms of Jesus, surely met by Carl, her parents, and countless others who have watched her and longed for her to meet them in heavens,” ‘ika niya.
Kuwento ni Bryan, unang beses raw niyang nakasama si Dolly noong bata pa siya at binuksan umano ni Dolly ang oportunidad, hindi lang para sa kaniya, kundi para na rin sa buong pamilya nila kaugnay sa hindi nila naisip na potensyal na maaari nilang maabot.
Gayundin ang pagbubukas ni Dolly ng pinto sa maraming henerasyon ng mga singer, songwriter, musician, at iba pang mga nangarap sa iba’t ibang kontinente sa mundo.
“She has always been in your television, your record player, your CD, and on your phone playlist becoming the extended part of your family whether you like it or not,” saad niya.
Pagtitiyak ni Bryan, sisikapin umano ng pamilya nila na ipagpatuloy ang legasiya ni Dolly upang hindi raw ito malimot ng nakararami.
“She will always love you,” pagtatapos pa ng pamangkin ng singer.