ni Nitz Miralles
Napapa-“wow!” ang mga kaibigan at followers ni Sharon Cuneta sa social media nang makita ang update post niya sa ipinapagawa nilang bahay ni Senator Kiko Pangilinan sa may Cavite. Kitang-kita na napakalaki ng bahay kahit basement pa lang ang video na ipinasilip ni Sharon. May nag-comment nga na parang basement ng mall ang bahay nina Sharon.
“Am so excited that we’re moving forward! Everyone just works and works and in such an organized manner! Galing my contractor. Praying all goes well til the end. Kakayanin daw ng bahay namin kahit lindol na intensity 9-10! Thank God talaga!” say ni Sharon sa kanyang post.
May mga nag-comment na kapag nagsipag-asawa ang mga anak nina Sharon at Sen. Kiko, silang dalawa na lang ang maiiwan sa kanilang malaking bahay. Hindi naman siguro agad mag-aasawa sina Frankie, Miel, at Miguel. Nanamnamin muna nila ang malaki nilang bahay bago nila iwanan para mag-asawa.
Ang hindi pa nababanggit ni Sharon ay kung magkano ang worth ng ipinapagawa niyang mansion.... hindi lang pala bahay dahil sobrang laki nga.