August 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ispluk ni Makagago: Josh Mojica, Yumi Garcia magkasama sa Thailand?

Ispluk ni Makagago: Josh Mojica, Yumi Garcia magkasama sa Thailand?
Photo courtesy: Screenshot from Makagago Wazzup Man (YT)

Usap-usapan ng mga netizen ang pinakawalang "tsika" ng content creator na si Mark Jayson Warnakulahewa o "Makagago" laban sa Kangkong chips CEO na si Josh Mojica, na nandadawit pa sa aktres, model, at social media personality na si Yumi Garcia.

Nag-upload kasi si Makagago ng bagong vlog nitong Martes, Agosto 25, laban kay Josh at bilang reaksiyon na rin sa pagtatanggol ni Mojica sa co-founder ng Tier One Entertainment na si Tryke Gutierrez matapos talakayin ng content creator na ang pinagdaraanan ng kompanya at maglahad ng mga pangamba tungkol sa mga creator at iba pang stakeholder nito, na umano'y hindi nababayaran.

Ayon kay Makagago, marami umanong nagsilapitang content creators at social media influencers sa kaniya para isumbong ang umano'y karanasang ito sa nabanggit na kompanya.

"Nagbayad na ba si Tier One? Yun lang yun, Josh Mojica," giit ni Makagago. "Ang dami mong ipinaliwanag, mas mahaba pa yung content mo sa content ko."

Ayon naman kay Mojica, hindi lamang ang mga founder ang naaapektuhan kapag nahihirapan o bumabagsak ang isang kompanya. Kabilang din dito ang mga empleyado, creator, kliyente, investor at business partner na umaasa sa operasyon ng negosyo.

Tsika at Intriga

Banat ni Ivana: Wag gumawa ng ibang issue para matakpan mga pinakaimportanteng issue!'

Going back sa vlog ni Makagago, sa bandang dulo ng kaniyang vlog, nagpakita siya ng isang larawan, kung saan makikita ang isang lalaki at isang babaeng magkasama pero kita lang ang mga likod nila.

"Gusto mo ba talagang makipaglaro sa 'kin?" hirit ni Makagago.

"Sige na nga, parang gusto mo eh. Bibigyan kita ng konting hint ng kung anong laro ang gusto ko sa 'yo, Josh."

At dito na nga ipinakita ni Makagago ang larawan, na aniya, ay si Josh daw at si Yumi habang magkasama sa Thailand.

"Naku, ikaw 'yan 'di ba Josh? Alam mo Josh, kilala ko kung sino 'yang babae na 'yan!" aniya pa habang tumatawa.

Sumunod, ipinakita naman niya ang isang video clip kung saan makikitang naglalakad ang isang lalaki at isang babae, na tinukoy ni Makagago na sina Josh at Yumi.

"Iyan ay si Yumi Garcia. Yup. Anong ginagawa n'yo sa Thailand?" aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Mark Jayson Warnakulahewa/Makagago (FB)

Matatandaang kamakailan lamang, nakaladkad ang pangalan ni Yumi Garcia matapos ang naging ispluk ng tinaguriang Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza, na umano'y nagkaanak sila ni Jon Gutierrez alyas "King Badger," na dating mister ng Kapuso actress at social media personality na si Jelai Andres.

Dahil dito, naglabas ng opisyal na paglilinaw si Jelai tungkol sa ilang mga detalye sa dahilan kung bakit sila naghiwalay ng dating asawa.

Maki-Balita: Jelai Andres, nagsalita sa kumakalat na tsika tungkol sa ex-mister at 'kabit'

Si Josh naman ay nauugnay kay Bianca Mendoza.

Dahil dito, pinuputakti na tuloy ng mga tanong ang posts ni Josh at Yumi mula sa mga netizen na abangers kung totoo bang magkasama sila ni Yumi, at kung bakit nga raw sila magkasama sa Thailand.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Josh at Yumi tungkol sa ispluk na ito ni Makagago.