Nagsalita ang Kapuso actress na si Jelai Andres matapos maungkat na naman ang isyu tungkol sa nawasak na relasyon nila ng ex-husband na si Jon Gutierrez o "King Badger" at sa umano'y naging third party nito.
Pinalagan ni Jelai ang naging mga ispluk ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza patungkol kina King Badger at Yumi Garcia.
Sa social media post, tsinika ni Xian na kaya raw nag-file ng annulment si Jelai sa kasal nila ni King Badger, ay dahil nagkaanak sila ni Yumi.
"may anak si Badger at si Yumi kaya nag-file ng annulment si Jelai nasa top comment ang link," mababasa sa post ni Xian.
Matapos muling umikot online ang mga kuwento tungkol sa nakaraan niyang pagsasama at hiwalayan, naglabas ng mahabang pahayag si Jelai para linawin ang isyu.
Aminado si Jelai na hindi niya ugaling magsalita o patulan ang mga isyung kinasasangkutan niya, maging ang mga personal na usapin.
Gayunman, napilitan umano siyang magsalita matapos muling mag-trending ang kontrobersiya at aniya’y may mga maling bersiyon ng kuwento na kumakalat.
“Clear ko lang about sa rumors going around again. Ayaw ko sana to. Dahil hindi ako ganito. Hindi ako pala salita o pala patol kahit sa sarili ko nang issue. But I think kailangan ko magsalita kahit minsan lang.”
"‘Calling yourself a victim doesn’t erase the consequences,'" aniya pa.
Sa kaniyang post, iginiit ni Jelai na hindi nangangahulugang dahil nasaktan ang isang tao ay wala na itong pananagutan sa mga naging desisyon nito.
“Minsan life teaches us a difficult lesson nasaktan ka, well probably. But that does not automatically mean you are completely innocent and calling yourself a victim doesn’t erase the consequences of the choices you made. Yes we call it CONSEQUENCES, FYI.”
Ayon kay Jelai, matagal siyang nanahimik dahil mas pinili niyang magkaroon ng kapayapaan at mamuhay nang masaya kasama ang mga taong mahalaga sa kaniya.
Gayunman, sinabi niyang may dahilan din kung bakit maingat siya sa pagharap sa mga bagay na maaaring muling mag-trigger sa kaniyang pinagdaanan.
“Pero dahil nga sa nangyareng yun, yung medical results sa mental health problem ko is ‘forever’ na. Na halos ikamatay ko na hindi alam ng nakararami. Kaya iniingatan ko na hindi sya matrigger.”
Binigyang-diin din niya na hindi dapat ipakahulugan ang kaniyang pananahimik bilang pagsang-ayon sa ibang bersiyon ng mga pangyayari.
“But silence doesn’t mean I agree with the other versions of the story. I believe this was my story too and I know the truth and im the one who experienced it. Marriage ko yun. Andun ako mismo. Ako ang andun. I know what really happened.”
Sumunod, ibinahagi niya ang umano’y pinagdaanan sa dating pagsasama.
Sa kaniyang salaysay, sinabi ni Jelai na nasaktan siya nang husto dahil sa umano’y mga pangyayaring naganap habang siya ay dumaraan sa matinding pagsubok.
“Nag gagamot ako noon at pabalik balik sa hospital halos mamatay ako, while kayo nag lalandian lang sa bed namin ng exhusband ko. Yes dun ka din umuuwi kapag wala ako, imagine that," aniya.
Sinabi rin niyang matagal umanong nangyari ang mga ito nang hindi niya nalalaman.
Gayunman, malinaw kay Jelai na bahagi na lamang ng nakaraan ang naturang kontrobersiya at masaya na siya sa kaniyang buhay ngayon.
“Pero tapos na yun e, masaya nako ngayon at super thankful dahil nakawala ako sa ganung sitwasyon na yon.”
Ipinahayag din niya ang pasasalamat matapos umano niyang makamit ang annulment na matagal niyang hinangad.
“Im grateful dahil binigay ni God ang pinapangarap kong annulment," aniya.
Maki-Balita: Jelai Andres, annulled na kay King Badger!
Mensahe sa kababaihan
Sa pagtatapos ng kaniyang pahayag, nagbigay si Jelai ng mensahe sa mga kababaihan, partikular sa mga kabataang maaaring mapunta sa katulad na sitwasyon.
“The lesson is simple: learn from the consequences.”
Paalala pa niya, "STAY AWAY from married men or kahit sino na may partner na wag tayong makihati.”
Nilinaw din niya ang isang puntong aniya’y bahagi ng mga maling kuwentong kumakalat.
“And just to clear one more thing: SHE WASN’T a minor when she had those children. This is the last time I’ll speak about this," aniya.
Iginiit ni Jelai na ito na ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa nasabing kontrobersiya.
“This is the last time I’ll speak about this. I’ve said what I needed to say.”
Sa huli, nag-iwan din siya ng mensahe para kay Xian.
“To xian : most probably iba ang naikwento sayo na story. MALI mali e. And i understand that this is your work and she’s also ur friend."
"appreciate that u Acknowledged my pain and burden before as a wife. But please next time, ask me directly para equal ang source mo hindi lang isang side at maling story ang kakalat from you," aniya pa.