Ni REMY UMEREZ
Bihira sa celebrities ang nababalanse ang trabaho at pagiging maybahay. Isa na rito si Dimples Romana na mas kilala bilang si Daniela Mondragon ng hit teleseryeng Kadenang Ginto.
Sa Hunyo ay ipagdiriwang nilang mag-asawa ang kanilang 20th wedding anniversary. Married to Boyet Ahmee, may dalawa silang anak named Christiana at Alonzo.
Typical na maybahay si Dimples at wala siyang temper unlike Daniela na laging galit at upset. Bagama”t suportado ang pagiging artista niya never na itinuring sa pamilya as a celebrity. She is a loving wife sa mata ng kanyang asawa. Istrikto siya pagdating sa study habits ng dalawang anak at laging ipinapaalala ang kahalagahan ng pagsisikap at hardwork.
Tiyaga ang naghatid kay Dimples sa tugatog ng tagumpay. Sa loob ng mahabang panahon ay puro supporting roles ang nilalabasan niya. Then came Kadenang Ginto and the rest is history .
Tumatak ng husto ang karakter ni Daniela Mondragon. Thankful siya sa nag-post sa social media ng kanyang larawan dressed in flaming red at hila-hila ang pulang maleta.
Acting-wise, walang maliit na role kay Dimples na inaabangan ng marami kung anong bagong pasabog ang gagawin sa muii niyang paglabas sa bagong teleserye pang telebisyon.