Ni NITZ MIRALLES

 NAKARATING na kay Sharon Cuneta ang daming namba-bash sa eldest nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan. Pinost ni Sharon ang photo ni Frankie noong bata pa ito at nilagyan ng caption na “Love and light, our dearest, most precious, beautiful and talented daughter, KAKIE! Your music is awesome!!! We and millions of people out there love you so much!”

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Sa mga nag-akusa kay Sharon na pumapatol sa bashers, sagot ni Sharon, “Not engaging! Unlike other people we do not fight dirty.” Bagay na kinontra ng isang

netizen dahil pagpatol na rin daw ang ginawa niyang pagpo-post sa kanyang Instagram ng depensa kay Frankie.

Samantala, malapit na uling mapanood si Sharon sa telebisyon dahil nagbabalik siya nilang isa sa mga judge ng Your Face Sounds Familiar. This month na ang pilot nito sa Kapamilya channel.