ni Ador V. Saluta

ITINANGGI ng Kapamilya stars na sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte ang espekulasyong sila’y nagli-live-in na? Ayon sa netizens, lagi raw nakikitang magkasama ang reel at real-life couple base sa mga larawang nakikita sa social media.

Sagot ni Ronnie sa tsismis: “Nagkakasama kami. Sabihin na lang nating mas lamang ang magkasama kami, ganun”

Dahilan naman ni Loisa, kaya sila nakikita ng netizens at napo-post sa social media ay dahil pareho silang taga-Binan, Laguna kayat madalas silang magkita at magkasama.

Pelikula

'Sunshine matapos ang storm!' Pelikula ni Maris, kalahok sa Palm Springs Int'l Film Festival

“Kasi sobrang lapit lang ng bahay namin kina Ronnie. As in puwede mag-scooter, ganyan.”

Dahil uso ngayon ang mga pelikulang pa-sexy o ang pagpapakita ng katawan, naitanong sa dalawa kung ikokonsider ba nilang magbida sa isang sex-oriented film?

“Depende sa story kung maganda talaga at saka yung hindi lang masabing sexy na nagpakita ng katawan. Hindi na din natin masabi kung kelan eh. Surprise na lang kung tatanggapin namin,” natatawang sabi ni Loisa.

“Tamang time din. Tamang oras din. Tamang panahon para dun,” sagot pa ni Ronnie