ni Nitz Miralles

Birthday gift ni Kris Aquino sa sarili ang paglipat sa beachfront house na hindi niya nabanggit kung saan (ang hula ng netizens sa Bataan).

Sa February 14, na ang 50th birthday ni Kris, kaya malapit na silang tumira ni Bimby sa napili niyang beachfront.

“Birthday gift ko po sa sarili ko ang paglipat sa isang beachfront house na inupahan na namin for the next 6 months. Yes, sa probinsya kami titira... lalayo muna kami sa NCR,” pahayag ni Kris. “Babalik lang ako sa Central Luzon every 6 weeks para ma-check si kuya Josh na nahanap na ang true happiness nya sa Tarlac.”

Rhian Ramos, 'di pabor sa pagkandidatong mayor ni Sam Verzosa?

Nabanggit din ni Kris na for health reasons ang dahilan sa kanyang desisyon na sa probinsya muna sila tumira ni Bimby. “Pinili kong lumayo muna sa city living dahil habang may pandemic, kailangan mas lalo ko pang pag-ingatan ang kalusugan ko. Kuya Josh and Bimby will always remain the greatest priorities of my life, but Ican only give them my love and their much-needed sense of security if Ido everything Ican to protect my health

especially because we all know my immunity is compromised because of my autoimmune conditions.”

Nasubukan na nina Kris at Bimby na tumira sa beachfront house during the early months ng lockdown at nagustuhan nila. Pagbalik nila ng Manila, hindi na sila dumeretso sa bahay nila sa Greenmeadows at sa isang service apartment sa BGC na sila tumira hanggang ngayon.