ni Nitz Miralles

NAPANOOD namin ang teaser ng Game of the Gens, ang show na iho-host nina Sef Cadayona at Andre Paras na airing na sa February 14 sa GMA News TV. May episode na guests sina Barbie Forteza at ang dad nito at aliw ang episode lalo na nang tanungin si Andre kung bakit hindi niya niligawan si Barbie?

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas

Classic ang reaction ni Barbie na biglang napaigtad sa kanyang kinauupuan at si Andre naman, tawa nang tawa. Dahil teaser nga, hindi ipinakita ang buong episode, bitin ang teaser at kailangang panoorin ang “Game of the Gens” para malaman ang sagot.

Sa isang episode kasi ng The Boobay and Tekla Show naikuwento ni Barbie na nagka-crush siya kay Andre nang magkasama sila sa isang rom-com series. Pero, hindi siya nito niligawan at ang feeling ni Barbie, nakarma siya dahil binasted niya si Ruru Madrid nang manligaw ito sa kanya.

And speaking of Barbie, malapit nang mapanood ang fresh episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at malalaman na ni Ginalyn (Barbie) na magkapatid sila ni Caitlyn (Kate Valdez). Marami ring masasagot na tanong ang viewers na nabitin nang matigil ang taping at airing ng series.