ni Nitz Miralles

MARAMI ang nag-agree sa tweet ni Angeline Quinto na “Ngayon hindi na uso paramihan ng pera o paramihan ng mamahaling gamit. Ang uso ngayon PASAYAHAN ng Buhay at Pamilya, kasi hindi mo alam kung Bukas buhay ka pa.”

Tama si Angeline, hindi importante ang paramihan ng pera, basta may pambili ka lang ng pagkain, may pambayad sa utilities at walang nagkakasakit sa ‘yung pamilya, ‘wag nang hangarin ang milyong-milyong pera.

Tsika at Intriga

'Dun ka sa idol mong perpekto!' Talak ni Mark Yulo sa basher, may pinapatamaan?

Kahit naman may milyones ka at may pambili ka sa mamahaling gamit, saan mo naman irarampa eh, limitado pa nga ang galaw nating lahat? Sayang nga rin ang mag-make up dahil tatakpan mo lang naman ang mukha mo ng face mask at face shield.

Anyway, sa isa pang tweet ni Angeline, mararamdaman na nami-miss nito ang namayapa niyang adoptive mother na kung tawagin niya ay “Mama Bob.” Dahil sabi nito, “Kung dumating ang araw na magtagumpay ka sa buhay, dalhin mo ang nanay mo sa lugar na pangarap niyo, yung lugar na siya ang prinsesa.”

May post din si Angeline sa Instagram ng photo nila ng kanyang Mama Bob at may caption na “Ang naging liwanag sa buhay ko. Mas naging maganda at makulay ang mundo ko nang Ikaw ang maging Nanay ko. I LOVE YOU, MAMA. I MISS YOU VERY MUCH MAMA BOB.”