MAG-A-ALA Santa Claus ngayong Kapaskuhan ang Wowowin host na si Willie Revillame. Noong November 24, ibinalita ni Willie sa kanyang show na tutuparin niya ang Christmas wish ng kanyang mga matatawagan sa ‘Tutok to Win’ upang mas maipadama sa ating mga kababayan ang spirit ng Christmas.

Sabi nito, “Magkakaroon tayo dito ng portion, ‘yung ‘Christmas Wish’ dahil [darating] itong Pasko. Tatanungin ko ‘yung wishes ninyo, baka kayang ibigay, ‘di ba? Titingnan ho natin, basta sa abot-kaya po ng programang ito. ‘Yung mga wish ninyo nitong Christmas, ipagkakaloob namin basta kaya po namin. ‘Yun namang hindi po sobra, tama lang. Basta gagawa tayo ng paraan.”

Kaya huwag magpahuli at tumutok lagi sa Tutok to Win, weekdays, sa GMA-7 at sa official verified social media accounts ng programa.

Speaking of Willie, noong isang araw, naglabas ng kanyang frustration si Willie sa isang Facebook post na parang iniintriga siya kay President Rodrigo Duterte, kaya nagsalita na.

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

“Wala po akong sinasabing ganyan. Kung sino ka man, pinahahanap ka na namin. Wala kayong ginawa kundi manira ng kapwa niyo... Baka magalit sa akin ang pangulo.

Ito pa ba ang panahon para manira kayo ng kapwa niyo? Nagkakagulo na nga, may pandemya na, may bagyo. Tigilan niyo yan. Kung wala kayong magawa, pumikit kayo at magdasal kayo.”

-Nitz Miralles