IKAKASAL na sa December 1, ang Kapuso aktres na si Ina Feleo sa kanyang Italian boyfriend na si Giancomo Gervasutti na isang chef. Excited na ang Bilangin ang Bituin sa Langit sa kanyang nalalapit na intimate wedding na gaganapin sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.
Sabi ni Ina, kaya sila nagdesisyon na sa naturang museum ikasal dahil malapit lang ito sa Metro Manila at pwede silang magkaroon ng al-fresco reception bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.
Kuwento ni Ina, “Sa Pinto Museum namin gagawin ang wedding naman kasi ito ‘yung pinaka-favorite namin na date place and we both love art. Sobrang ganda kasi talaga for us ‘yung Pinto. Feeling ko, aside from it being a museum whith art pieces, the place itself is art.”
“And at the same time, open-air. Siyempre ngayon, mas maganda kung al fresco ‘di ba? and then maluwag ‘yung space so pwede talaga ‘yung social distancing, ganun,” dagdag ni Ina.
Tumulong sa pag-aayos sa wedding ng anak si director Laurice Guillen, kaya hindi masyadong nahirapan si Ina. Si direk Laurice rin ang director ni Ina sa ‘Bilangin ang Bituin sa Langit na babalik na sa GMA Afternoon Prime simula December 7.
Mabuti at pinatapos muna ni Ina ang lock-in taping nila sa Bilangin ang Bituin sa Langit, kaya wala na siyang ibang iisipin kundi ang kasal sa Dec. 1 at ang kanilang honeymoon.
-NITZ MIRALLES