READY na si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa nalalapit nilang lock-in taping ng upcoming GMA drama series na Legal Wives na gaganap siya bilang si Ishmael, isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres) at Farrah (Bianca Umali).

“Parang nabigla ako nu’ng umpisa na in-offer sa akin ang role, pero nang nabasa ko na ang script, ang ganda pala ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka sa kanilang kultura,” pahayag ni Dennis.

“Ang character ko, naiiba ang kanyang paninindigan, siya iyong tao na iidolohin mo dahil iba siyang magmahal, bawa’t tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan.

Kaya siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kuwento dahil mapagmahal siyang tao,” dugtong niya.

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Makakasama ni Dennis sa powerhouse cast ng Legal Wives, sina Ms. Cherie Gil, Startruck 7’s Shayne Sava at Abdul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar de Mesa, Juan Rodrigo at si Ms. Irma Adlawan.

-NORA V. CALDERON