IKINATUWA ng netizens at fans nina Cong. Vilma Santos, Luis Manzano at Jessy Mendiola ang litrato nilang magkakasama na parang sa bahay pa nina Vilma. Kasama rin sa litrato ang bunso ni Vilma na si Ryan Recto.

luis at jessy

Ang caption ni Vilma sa family picture nila ay “Post-birthday visit... Thank you guys! I love you” at nag-react si Jessy ng “Love you momski.” So, ayun, nalaman tuloy na “Momski” ang tawag ni Jessy sa kanyang future biyenan.

Speaking of Jessy and Luis, ang ganda ng TVC nila ng Shakey’s na inspired ng Crash Landing On You at tinawag nilang “Crush Landing On You.” Ang ganda ng TVC at naka-military uniform pa talaga si Luis.

Tsika at Intriga

Nadine Lustre, ibinahagi 'Collect them all' placard

Nitz Miralles