Kay Zanjoe Marudo nali-link si Angelica Panganiban, pero mukhang may tunay at totoong boyfriend ang Kapamilya actress. Nadiskubre ang tungkol dito nang mabasa ang comment ni Angelica sa Instagram ng nagngangalang Gregg Homan na “Come home na.”

126515698_648037425871729_5088285911056278461_n

Sumagot si Gregg ng “Afew more days Honn.” Sa mga nakabasa, ang dating ng “honn” sa kanila ay “honey” at naniniwala silang ito ang term of endearment ng dalawa. Sa post nasa isang beach sa Batangas si Greg at siguro ay matagal na silang hindi nagkikita ni Angelica, kaya pinauuwi na niya ito.

Madi-disappoint nito ang mga kinikilig na sana kina Angelica at Zanjoe, pero ang alam ng marami ay may non-showbiz girlfriend naman ang aktor.

Derrick Monasterio, 'di keri magpakita ng 'talong'

-Nitz Miralles