May panawagan sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng may mabubuting loob para mag-donate at tulungan silang dagdagan ang 1000 relief packs para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

dennis at jennylyn

Post ni Jennylyn: “BESSIES, HELP US FILLTHIS ULTIMATE STARSTUCK FOR CAGAYAN SURVIVORS.

“Calling for your help na punuin natin ang donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan! Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito, there’s room for more donations!

Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'

“Help us provide for the vulnerable and displaces families left in Tuguegarao through @litterbucks’ cookies for a cause, or by sending your monetary or in-kind donations to Litterbucks bago umalis ang team namin papuntang Cagayan. Wala pong maliit na tulong! YOUR HELP WILLGOALONG WAY.”

Heto naman ang panawagan ni Dennis: “Hello mga kababaya! Tulungan niyo po sana kaming punuin an gaming 25 toneladang Ultimate StarStruck papuntang Tuguegarao! Kung may sobra kayo, pwedeng pwede kayong sumali! Dream, Believe, DONATE. #UltimateStarStruck!”

Dagdag pa ni Dennis, hayaan sana ng mga magdo-donate na maging daan sila ni Jennylyn at ang kanilang team na madala sa mga nasalanta ng bagyon ang mga ido-donate ninyo.

Samantala, naghahanda na si Dennis para sa taping ng bago niyang project sa GMA-7 na Legal Wives kung saan makakasama niya sina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres bilang leading ladies.

Si Jennylyn naman, patuloy na umeere ang Descendants of the Sun at streaming din sa Netflix Philippines.

-NITZ MIRALLES