Muling bumati si Toni Gonzaga ng masayang araw sa Pilipinas at sa buong mundo dahil babalik siya bilang host ng ninth season ng Pinoy Big Brother, PBB Connect kasama sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.
Ibinalita ang pagbabalik ni Toni noong Nobyembre 2 at agad siyang binigyan ng task ni Kuya na ibunyag ang “Big 4 Balita” tungkol sa show sa livestreaming app na Kumu, kabilang na ang pagbabalik nina Bianca at Robi bilang kanyang co-hosts.
Sumabak na rin agad si Bianca nitong Nobyembre 3 sa “KUMUnect Tayo Audition Show” kasama ang ABS-CBN head of entertainment production na si Lauren Dyogi.
Limang aspiring housemate ang nakatanggap ng golden star at pasok na susunod na round ng audition. Hanggang Nobyembre 11 ang online auditions sa Kumu.
May special livestream ang “PBB Connect” ngayong Biyernes (Nobyembre 6), 8 PM, tampok ang ex-housemates ni Kuya. Hangad ng “#PBBKUMUnectSaPagtulong” na makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Rolly.
Subaybayan ang mga bagong ganap sa loob ng Bahay ni Kuya sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng ng “PBB.”
Para sa updates, bumisita sa https://app.kumu.ph/PBBabscbn, i-follow ang “PBB” sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), at Instagram (PBBABSCBNTV), at mag-subscribe sa YouTube (Pinoy Big Brother). Sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.
-MERCY LEJARDE