CONGRATULATIONS na bagong mommy na si Ryza Cenon.
Sa Instagram ibinahagi ni Ryza ang pagsilang ng kanilang first child ng partner niya si Miguel Antonio Cruz.
Isang black and white photo ng kamay ng kanyang baby na nakahawak sa kanyang kamay ang ibinahagi ng aktres sa kanyang mga followers kasama ng caption na: “Welcome Baby Night!”
“Napakahirap pero lahat worth it!” ayon pa sa aktres.
Bumuhos naman ang pagbati para sa aktres at sa pagsilang kanilang baby, kabilang ang mula sa ilang celebrities tulad nina Isabel Oli Prats, Dawn Zulueta, at iba pa.