SASABAK na sa recording industry ang dating contestant ng The Voice Teens season 2 na si Lukas Magallano sa kaka-release lang niyang debut single na Magic of Love.

“When a wish is granted, I am humbled. Salamat sa Star Pop family ko for having me! Sobra ako’ng nagpapasalamat,” sabi ng 15-anyos na aktor at commercial model.

Sakto ang tema ng Magic of Love para sa batang mang-aawit, kung saan tinatalakay ang kakaibang pakiramdam ng pagiging in love. Maganda rin ang mensahe nito na mas maganda ang pag-ibig kung kusa itong dumating at hindi hinanap.

Si Jude Gitamondoc ang nag-produce ng masayang kanta mula sa Star Pop na pinangungunahan ni Rox Santos, habang si Anjelo Calinawan naman ang nag-mix and master nito. Si Henrick Pestaño naman ang nag-perform, arrange, at record ng lahat ng instrumentong maririnig sa kanta.

Unang napa-wow ni Lukas ang The Voice Teens season 2 coaches na sina Lea Salonga at Apl.de.ap nang mag-audition siya sa kompetisyon gamit ang kanta ni Vance Joy na Riptide ngayong taon, kung saan nakaabot siya sa The Battles round bilang miyembro ng FamiLea.

Vice Ganda: 'Ang daming honor students pero parang aanga-anga kapag kinausap'

Bago ito, naging bahagi din si Lukas ng palabas na Team YeY! bilang isa sa mga kiddie hosts nito. Nakasama rin siya sa pelikulang A Second Chance”at Just The 3 Of Us ng Star Cinema.

Damhin ang Magic of Love at pakinggan ang debut single ni Lukas sa iba’t ibang digital music streaming services.

-MERCY LEJARDE