Sa wakas ay muling nagkasama ang mag-sweetheart na sina Lovi Poe at US-based British writer-producer na si Monty Blencowe. Ilang buwan din silang LDR (long distance relationship), dahil sa mga lockdown bunga ng umiiral na pandemic— si Lovi ay nasa Pilipinas at si Monty ay nasa USA, simula pa nitong Marso.
Pero last September at nagkaroon ng chance na makaalis si Lovi patungong US at mabisita si Monty.
“Dumaan din po muna ako sa proceso at sinunod ang health protocols na required sa mga gustong umalis ng bansa,” kuwento ni Lovi.
“Saka tinapos ko po muna ang taping ko ng new drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You sa episode naming “High Rise Lovers” with Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Tetay Ocampo at Teresa Loyzaga. Tamang-tama naman ito na finale na namin tonight, October 16, 9:15 PM sa GMA-7, kaya libre na akong umalis,” aniya pa.
One year na ang relasyon nina Lovi at Monty at paano nga ba nila ito napapanatili sa kabila ng matagal silang hindi nagkasama?
“Patuloy ang communications namin, saka may trust and respect, give and take kami sa isa’t isa,” share ng aktres.
May Instagram post si Lovi na magkasama sila ni Monty last year at ngayong nasa USA na siya.
-NORA V. CALDERON